Saturday, November 29, 2014

Love effect

Bakit ganito? 

I wasn't like this.. 

Kaya ayoko mainlove ehh.. 
Nasisira yung tahimik kong buhay pag naiinlove ako.. I can't focus anymore, Nagiging sobrang madrama ako.. yes sobrang madrama ako, ang dami kong naiisip basta ang dami pumapasok sa isipan ko 

Badtrip! 

Bakit kasi dumating ka pa (Well actually buti nga dumating ka pero bakit mo kasi sinira yung tahimik kong buhay?)

Chill chill lang ako nun, walang iniintindi (Grades ko lang) 
Ngayon namomroblema na ako kung paano ako aamin sa iyo.. 
Ayoko lang kasi na friend lang ang tingin mo sa akin, pero ayaw ko rin naman na biglaan ka.. 

What should I do?? 

I am Paranoid right now and I really don't know what to do.. I try to forget love because of what happened to me, but you came.. 

I really hope that I'd put a remedy on this Problem that I have..

I guess that is really the Love effect.. 

Friday, November 28, 2014

Losing in Love

Am I losing again?

Ayoko na.. 
nakakasawa na..
Oh I hope hindi na talaga

Nakakasawa na rin kasi na lagi ka natatalo.. bakit pa kasi ako naiinlove? 
Meron isang time na sobrang nainlove ako, I exerted my effort on her.. pero parang she doesn't see me as her guy.. then bigla nalang malalaman ko na may boyfriend na pala siya.. I went to that war unprepared.. I have brought all my weapons but in the end I wasn't able to use them.. 

Yeah nasaktan ako, AS IN.. kasi she is my dream girl and makikita ko siya sa ibang guy.. "That guy should be me" that was the thought running inside my head.. pero you gotta move on, she's with other guy and not you.. 

and so I did try to move on.. man moving on is hard kasi minsan nakikita ko sila magkasama.. I was able to move on because of my friends (thank god) and I told them that I won't fall in love again.. 

Fall in love.. yeah right, that is just a burden.. 

But then mukhang nasira ko na naman ang word ko about falling in love.. yes there are so many attractive faces around but wala akong maramdamang "Sparks" sa kanila ehh.. anyway, it was tuesday may game kami (Intrams ng college namin) our game will start at 7:30 pero nadismiss kami ng 6, so masyado pang maaga, so I did get something to eat tapos nanood muna ako sa isang volleyball game.. 

Then I felt the spark.. 
I saw this girl, playing volleyball then I began to feel a little bit curious, so pinanood ko talaga yung buong laban and My eyes are really glued on her..

My heart raced, sabi ko sa sarili ko nun, "whoa she is different ang lakas ng dating niya sa akin" 
Then after a day, I am really curious on her.. gusto ko talaga malaman yung name niya.. so I did ask my friend (friend niya kasi yung teammate nung girl) Sinabi ko sa kanya if he could ask his friend kung ano name nung girl na yun.. he said ok mamayang gabi I'll let you know..

I was excited that time so I waited till evening until I went to sleep wala pa rin.. So the next day I really did watch her game.. then yun nga, luckily yung T-shirt niya may apelyido niya so  I got a hint on what's her last name is.. now the problem is the 1st name?? so I really observed and then I heard one of her teammates mentioned her name.. 

BINGO! yan ang sigaw ng utak ko nung narinig ko yun... so nung nakauwi na ako, I really searched her name on Facebook then Bam! nakita ko siya and without a hesitation inadd ko siya.. ayun bigla akong kinabahan.. syempre I am not like this... tapos on that night din she accepted my friend request..

Then I started chatting her and nagrereply naman siya.. it was the happiest moment of my life.. So hanggang ngayon we are still chatting and texting 

but then I saw something that really lost my confidence.. 

I won't mention it here basta parang it's like the 1st girl.. 

let's just say na she likes other man, and I am 100% sure it wasn't me... 

Kelan kaya ako mananalo sa love? 
kulang pa ba ang nagiging effort ko? 
ewan ko ba.. sana hindi na to 'Losing game' 
but even though na nakita ko yun, I won't give up I'll enter this battlefield and fight for her love.

Let me take this as my handicap, mas ok na yung ganito kaysa mag give up ako ng walang laban...

I won't lose again in love... 

Sunday, September 2, 2012

Moving on

"Mag move on ka na!"  Yan ang laging sinasabi ng mga tao sa paligid mo tuwing ikaw ay sawi sa pagibig.

Pero sa totoo lang madali lang ba mag move on? Sabi ng ibang tao Oo pero meron din nagsasabi na Hindi. Bakit ba madali lang mag move on? Siguro para sa akin kaya nakakapag move on kagad ang ibang tao ay dahil sa narealize na niya na ang isang bagay/tao ay hindi talaga para sa kanya. Sila ata ang mga tao na malawak ang pagiisip at marami silang naiisip na posibleng senaryo sa hinaharap. Minsan pwede rin na mabilis mag move on dahil hindi talaga siya nagseryoso sa karelasyon niya, kumbaga pang "past time" lang nila ang girl/boy na yun kaya parang wala lang sa kanya ang salitang "move on"

Pero meron din ibang tao na sobrang hirap mag move on. Eto siguro yung mga tao na naging seryoso sa karelasyon nila at siguro marami rin silang matatamis na alaala na naibigay sa isa't isa kaya naman nahihirapan
mag move on ang isang tao. Hindi ko sila masisisi kung bakit ganun sila, eh kung ikaw naman nagseryoso sa isang bagay tapos dagdagan mo pa ng mga "Sweet memories". Hay nako mahirap talaga mag move on niyan. Siguro wala pa sa isipan ng ibang tao na may iba pang tao diyan na handang mahalin siya ng todo. pero nakakalungkot lang minsan ikaw hindi ka pa nakakamove on siya ok na, samahan mo pa ng bago niyang GF/BF. Saklap no? Ok lang yan, dumadaan talaga sa buhay natin ang ganyan, hindi natin yan maiiwasan, malay natin pagsubok lang sa atin ni God to. 

Eto tandaan mo: Oo mahirap magmove on lalo na kapag naging seryoso ka, pero hindi naman pwede na habang buhay ganyan ka. tandaan natin na may mga tao pa diyan sa paligid na handa tayong tanggapin ng lubos. O minsan isipin mo nalang na kung meant to be kayo eh di meant to be. hindi mo naman kailangan ng bagong karelasyon para sabihin na nagmove ka na. Mas mabuti nang nagiisa ng matagal at least sigurado ka na kung sino talaga ang para sa iyo kaysa naman na minamadali mo hindi ka naman masaya.