Pero sa totoo lang madali lang ba mag move on? Sabi ng ibang tao Oo pero meron din nagsasabi na Hindi. Bakit ba madali lang mag move on? Siguro para sa akin kaya nakakapag move on kagad ang ibang tao ay dahil sa narealize na niya na ang isang bagay/tao ay hindi talaga para sa kanya. Sila ata ang mga tao na malawak ang pagiisip at marami silang naiisip na posibleng senaryo sa hinaharap. Minsan pwede rin na mabilis mag move on dahil hindi talaga siya nagseryoso sa karelasyon niya, kumbaga pang "past time" lang nila ang girl/boy na yun kaya parang wala lang sa kanya ang salitang "move on"
Pero meron din ibang tao na sobrang hirap mag move on. Eto siguro yung mga tao na naging seryoso sa karelasyon nila at siguro marami rin silang matatamis na alaala na naibigay sa isa't isa kaya naman nahihirapan
mag move on ang isang tao. Hindi ko sila masisisi kung bakit ganun sila, eh kung ikaw naman nagseryoso sa isang bagay tapos dagdagan mo pa ng mga "Sweet memories". Hay nako mahirap talaga mag move on niyan. Siguro wala pa sa isipan ng ibang tao na may iba pang tao diyan na handang mahalin siya ng todo. pero nakakalungkot lang minsan ikaw hindi ka pa nakakamove on siya ok na, samahan mo pa ng bago niyang GF/BF. Saklap no? Ok lang yan, dumadaan talaga sa buhay natin ang ganyan, hindi natin yan maiiwasan, malay natin pagsubok lang sa atin ni God to.
Eto tandaan mo: Oo mahirap magmove on lalo na kapag naging seryoso ka, pero hindi naman pwede na habang buhay ganyan ka. tandaan natin na may mga tao pa diyan sa paligid na handa tayong tanggapin ng lubos. O minsan isipin mo nalang na kung meant to be kayo eh di meant to be. hindi mo naman kailangan ng bagong karelasyon para sabihin na nagmove ka na. Mas mabuti nang nagiisa ng matagal at least sigurado ka na kung sino talaga ang para sa iyo kaysa naman na minamadali mo hindi ka naman masaya.